Jonny Orris, 86, namatay bago makapag-enjoy ng threesome mula kay Howard Stern!
  • 9 years ago
Jonny Orris, 86, namatay bago makapag-enjoy ng threesome mula kay Howard Stern!

Alam nating lahat na bawal mag-swimming pag kakatapos lang kumain.

Ang kamamatay lamang na si Jonny Orris, 86 years old, ay may naiwang leksiyon para sa atin: huwag kumain kung alam mong magkakaroon ka ng threesome kasama ang dalawang prostitute!

Si Jonny ay kumakain ng masarap na prime rib noong Huwebes. Nakakadalawang kagat pa lang ito, ay nabulunan siya, at namatay! Ilang oras na lang sana at nai-enjoy niya ang kanyang threesome!

Ipinasok ni Ed Orris ang kanyang lolo sa "Get My Grandpa Laid" contest sa Howard Stern Show.

At nanalo si Jonny! Ang premyo? Isang coupon para makipag-sex kasama sina Caressa Kisses at Rain Riches sa Bunny Ranch sa Nevada.

Nakipag-email si Jonny sa mga babae nang mahigit sa isang buwan, at handang-handa na siya sa kanilang threesome.

Bago siya kumain noong araw na iyon ay dumaan pa si jonny sa Bunny Bar at nakipag-tuksuhan pa sa mga babae, sabay sabing babalik siya nang 9pm, at dapat ay handa na para sa kanya ang mga babae.

Pero may ibang plano ang nasa itaas para kay Jonny.

At kahit ilang beses na isinagawa ang Heimlick Maneuver ay hindi siya naligtas.

Ayon kay Caressa Kisses at ang may-ari ng brothel na si Dennis Hof, ang pagkamatay ni Jonny ay ang pinakamalungkot na nangyari sa limampu't walong taon ng Bunny Ranch.

Para mapasaya si Ed, na nawalan ng lolo, ay pwede raw niyang gamitin ang free sex coupon na napanalunan ni Jonny.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended