Lalaki sa UK, naaresto dahil mahilig uminom ng gasolina mula sa mga gas stations!

  • 9 years ago
Lalaki sa UK, naaresto dahil mahilig uminom ng gasolina mula sa mga gas stations!

Si Brian Taylor, ng United Kingdom, ay dalawang beses na naaresto itong nakaraang holiday break, dahil sinubukan niyang uminom ng gas -- habang siya ay may court order na nagbabawal sa gawaing ito.

Si Taylor pala ay mahilig mangamoy at uminom ng gasoline, at pagkatapos ay nagsasayaw ito habang siya ay high na high.

Siya ay napasok pa sa rehab, para sa kanyang pagka-addict sa pag-inom ng gasoline -- pero siya rin ay napatalsik dahil siya ay isang fire hazard.

Ayon sa mga awtoridad, noong December 30, si Taylor ay nakita ng staff ng isang gas station, na nagtatangkang magnakaw ng gasolina.

Siya rin ay natagpuan sa araw na iyon, sa isa pang gas station, kung saan siya ay naaresto ng pulis.


Humarap si Taylor sa isang judge noong New Year's Eve, dahil hindi niya sinunod ang utos ng court order. Ayon sa judge, kapag uminom pa siyang muli ng gasolina mula sa mga gas station, ay maari siyang makulong.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended