Abusadong ina sa Taiwan, nahuli ng pulis dahil sa Facebook
Isang drug addict na tinatakasan ang pulis ang naaresto sa kasong international injury, dahil sa pagkamatay ng kanyang anak. Nahuli siya ng pulis sa Jilong, Taiwan, salamat sa kanyang mga Facebook updates.
Ayon sa kanyang asawa, malungkot daw ang suspect ay ayaw niyang harapin ang kanyang mga issue. Sinabihan daw niya ito na mas lalala ang sitwasyon kapag iniwasan niyang magpunta sa korte.
Ayon sa pulis, nasundan nila ang kilos ng 27-year-old na si Chen Hsiang Yin (陳湘吟), dahil mahilig itong mag-check-in sa mga lugar sa pamamagitan ng Facebook. Si Chen ay nahuli noong December 26, habang nilalakad ang kanyang alagang aso, at habang nangingisda kasama ang kanyang asawa, sa Jilong Harbor.
Noong Agosto ng 2011, nahulog at namatay ang apat na buwan na anak na babae ni Chen. Natagpuan ang iilang mga sugat at pagkabali ng buto sa katawang ng baby, at inamin ni Chen na inabuso niya ang baby nang siya ay lulong sa droga.
Si Chen at nakasuhan ng intentional injury noong Abril ng 2012, at dahil ilang beses na siyang hindi nagpakita sa korte, siya ay isa ring wanted na criminal.
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH