Lalaki, sinakal at pinatay ang kanyang girlfriend dahil ayaw siyang pakasalan!

  • 9 years ago
Lalaki, sinakal at pinatay ang kanyang girlfriend dahil ayaw siyang pakasalan!

Inaresto ng pulis sa China ang isang lalaki na sinakal at pinatay diumano ang kanyang girlfriend, dahil ayaw siyang pakasalan nito.

Ang insidente ay nangyari sa Shaanxi Province sa China, kung saan ang lalaki ay pinatay ang kanyang girlfriend sa kanyang apartment noong December 20.

Noong December 28, naaresto ang lalaki -- tatlong araw matapos tawagan ng kapatid ng suspect ang pulis, at sinabing natagpuan niya ang katawan ng babae sa apartment ng lalaki.

Nalaman ng pulis na malaki-laking halaga ng ginastos na pera ng lalaki para ipaghanda ang kanilang kasal, pero gusto siyang hiwalayan ng babae.

Ayon sa pulis, hindi pumayag na makipaghiwalay ang suspect, at nauwi ang kanilang pag-uusap sa pagpatay nito sa babae.

Tatlong araw matapos tawagan ng kapatid ng suspect ang pulis, ay natagpuan ng pulis ang katawan ng babae. Pinaniniwalaang hindi iniwan ng suspect ang bangkay ng kanyang girlfriend, at nanatili siya sa loob ng apartment hanggang sa dumating ang kanyang kapatid.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended