Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/12/2015
Ghost town sa China, pinalalaki ng gobyerno kahit na walang bumibisita!

Isang Chinese na ghost town, pinalalaki ng gobyerno, kahit na halos walang nakatira!

Nakakakilabot! Pero ito ay hindi isang movie set.

Ito ay ang siudad ng Chenggong, na dalawampung kilometro mula sa Kunming -- at ito ang nanguguna sa listahan ng mga ghost towns.

Ito ay isang katotohanan na idini-deny ng People's Daily newspaper sa China.

Nagpadala kami ng reporter para i-tour ang lugar na ito, at ito ang kanyang nakita...

Ang presyo ng real estate ay mas mababa kumpara sa Kunming. Pero ang Chenggong ay nagkukulang sa mga bagay na kakailanganin ng mga tao sa araw-araw na buhay. Hindi maayos ang kanilang public transportation, ay halos wala kang makitang taong naglalakad sa mga kalsada.

Hindi ito ang inaasahan ng gobyerno sa China, itong nakaraang sampung taon.

Ang mga apartment na ito ay malapit sa Yunnan University of Science and Technology. May anim na daang unit ng apartment, pero 30 percent lang ang okupado.

Si Chen ay lumipat sa Chenggong, dalawang taon nang nakalipas. Sabi niya, wala raw siyang nakitang ibang taong lumipat sa kanyang tinitirhan.

Maraming mga tindahan ang naisarado, o naipaubaya na.

Pero patuloy pa rin ang construction, kaya ang ghost city na ito, na halos walang nakatira, ay mas lalong lalaki.

Ayon sa Chenggong district committee secretary na si Zhou Feng-Yue, ang siudad na mukhang ghost town ay nagkakataon lang na ganoon sa particular na oras at lugar.

Pero alam natin ang tutoo!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended