Pelikulang "Twelve Nights," nakatulong sa pet adoption sa Taiwan!
Ang pelikulang "Twelve Nights," natulungan ang animal adoption sa Taiwan.
Ang "Twleve Nights" ay isang pelikulang ipinapakita ang buhay ng mga ligaw na aso sa mga public shelters, kung saan sila ay pinapatay matapos ang labindalawang araw, dahil hindi sila maaalagaan.
Nai-release ang "Twelve Nights" noong November 29, at kumita na ito ng lampas sa 1 million USD, at ang mga nanood nito ay mabilis na kumilos para umampon ng mga aso mula sa shelters.
Labing-anim na araw matapos lumabas ang "Twelve Nights" ay may dalawang daan at anim na aso't pusa nan a-ampon mula sa isang shelter sa Tainan -- tumaas nang mahigit sa 60 percent mula sa nakaraang buwan.
Walang bayad na sinisingil kapag gustong umampon ng alaga ang mga tao, at lahat ng nasa shelter ay nabigyan na ng vaccination, nasa malusog na kalagayan, at nabigyan na rin ng identification microchips.
Ang mga events na isinisagawa tuwing malapit nang mag-Pasko ay nakakatulong din sa pag-ampon ng mga aso't pusa.
Pero ang mga shelters ay nagbibigay din ng mga restrictions para mai-regulate ang pag-aampon ng mga alaga. Para sa mga residente ng Pingdung, hanggang dalawang alaga lang ang pwedeng ampunin ng bawat isa sa kanila, at ang mga aampon na wala pa sa legal na edad na 18 ay kailangan ng pahintulot mula sa kanilang mga magulang. May background check din na kailangan para sa mga shelters sa Nantou.
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH