Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/12/2015
Lalaki sa Camden, nasaksak habang dumaan at nanood lang ang mga motorista!

Ang video na ito ay kinunan noong Sabado, December 14, sa Camden, New Jersey. Panooring mabuti. Sa bandang ibaba ng screen, makikita mo ang isang lalaking tumawid ng Atlantic Avenue, malapit sa Brodway, at nilapitan ang 57-year-old na si Timothy Appling.

Mukhang inosente ang kanilang pag-uusap. Pero nag-aaway na pala sila, at ayon sa police, nasaksak si Appling.

Ang nakakagulat sa lahat ay makikita natin ang dalawang kotseng sakay ang iilang saksi sa mga pangyayari.

Ang mga driver ng sasakyan na ito ay siguradong nakita ang nangyari at posibleng makatulong sa paghanap ng suspect. Pero walang kumontak sa pulis.

May pangatlong kotse rin na napabagal, at napahinto nang makita ng driver ang mga nangyayari.

Nag-U-turn ang driver para mas malinaw na makita ang mga pangyayari.

Gustong ma-interview ng pulis ang mga driver ng tatlong sasakyan, dahil wala silang lead sa pagkamatay ni Appling.

Mayroon kayang maglalakas-loob na kausapin ang police? O mas pipiliin nilang sundan ang street code na walang magsusumbong? Mag-iwan ng inyong opinyon sa comments.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended