Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/12/2015
Mga aso, tinatapatan ang magnetic field ng planeta tuwing tumatae!

Hindi na ito bago para sa mga may alagang aso.

Matapos ang dalawang taong panonood ng libu-libong beses ng pagtae at pag-ihi ng pitumpung aso, naniniwala ngayon ang mga scientist na pino-posisyon ng mga aso ang kanilang katawan sa aksis na hilaga at timog ng magnetic field ng ating planeta, tuwing sila ay tatae o iihi.

Hindi pa naipapaliwanag ng mga researcher kung bakit mas gusto ng mga asong humarap sa timog o hilaga kapag sila ay tumatae o umiihi, pero hindi sila ng-iisa sa gawaing ito.

Ayon sa mga pag-aaral, ang mga ibon ay nagma-migrate sa tabi ng magnetic fields, at ang mga isang salmon ay ginagamit ang magnetism sa paghanap ng direksiyon pauwi sa kanilang pinanggalingan.

Subukan niyong magdala ng compass sa susunod na lakarin niyo ang inyong mga aso, at pansinin kung saan sila humaharap kapag sila ay 'busy' sa kanilang mga gawain.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended