Mga matatandang Koreano, sinakop ang McDonald's sa Flushing, New York!

  • 9 years ago
Mga matatandang Koreano, sinakop ang McDonald's sa Flushing, New York!


Ang ating kuwento ay naganap sa McDonald's na ito, sa kanto ng Northern at Parsons, sa Flushing, Queens, New York.

Ito ay eksena ng isang katakot-takot na krimen: loitering! Ang pagtambay ay isinagawa ng mga matatanda! Karamihan sa kanila, ay Koreano.

Ginawa na ng pulis ang lahat para mapaalis sila sa eksena, pero panay ang balik ng mga ito.

Ang mga lolo't lola, na nasa kanilang 70s at 80s, ay sinasabing wala naman silang ginagawang mali, at sila ay may karapatang tumambay. Pero sabi ng management ng McDo, nakakasira daw sila ng negosyo.

Isa sa mga matatanda ang naakusahan ng pagbato ng isang basong kape sa manager! Aba! Ang tapang!

Ano sa palagay niyo, dear viewers? May karapatan ba silang tumambay hanggang sa sila ay makuntento, o dapat ba ay umalis na sila mula sa McDo? Mag-iwan ng opinyon sa comments.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH