Playboy Bunny Cassandra Lynn, nag-overdose habang naliligo sa bathtub
Nawalan na naman ang mundo ng isang Playboy Bunny.
Sa ngayon, ay nasa limampu't walo na ang bilang ng mga namatay na Playboy Bunny.
Ang Miss February 2006 na si Cassandta Lynn, ay natagpuang patay sa isang drug overdose --- sa bathtub, sa bahay ng kanyang kaibigan, noong Miyerkules, sa Los Angeles.
Ang kaibigan ang nakatagpo diumano kay Cassandra, na nakalutang sa bathtub.
Kung anong droga ang kanyang ipinag-overdose, ay hindi pa nalalaman.
Si Cassandra Lynn ay ipinanganak sa Price, Utah, at madalas itong nagpalipat-lipat noong siya ay bata pa.
Nahirapan siyang magkaroon ng kaibigan noong siya ay teenager, at ilang beses din siyang nagpalipat-lipat ng eskuwelahan.
Ayon sa kanyang mga kaklase noon, si Cassandra daw ay mahilig manggulo.
Noong siya ay 18 years old, nagpunta si Cassandra sa LA, kung saan nangbago ang kanyang buhay.
Nagtrabaho siya bilang isa Jell-O wrestler, bago siya lumipat papunta sa Playboy Mansion.
Ayon sa kanyang Italian na Wikipedia page, na aming ipina-translate sa Goodle, si Cassandra Lynn Jensen , na ipinanganak noong August 15, 1979, ay isang Amerikanang modelo. Ang kanyang magandang mukha at dibdib ang dahilan kung bakit siya ay naging Playmate of the Month, noong 2006.
Si Cassandra ay itinutukoy ng page bilang isang "classic" na playmate, na mahilig sa Valentine's Day at sa mga candy hearts.
Siya rin ay may palayaw na Butterfly, para sa kanyang limang tattoo ng paro-paro, na nagkalat sa kanyang katawan.
Sa araw ng kanyang kamatayan, nai-tweet sa kanyang Twitter ang kanyang horoscope:
Ang sabi nito ay: "Ang mga hindi nasabing obligasyon, ang pipigil sa iyo sa paggawa ng nais mong isagawa sa araw na ito."
Ayon sa pulis, kahit na walang malisya ang pagkamatay ni Cassandra, ay iniimbesitigahan pa rin nila ang insidente.
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH