Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/12/2015
Isang fashion brand, nagsagawa ng isang "halos-hubad" na party sa Italy!

Ang libreng damit ay pangarap ng mga mahilig mag-shopping. At ito ang pangarap na natupad para sa iilang tao sa Italya -- basta't dumalo sila sa isang party nang walang suot na damit!

Ang Spanish brand na Desigual ay nagsagawa ng dalawang semi-naked na party sa Rome, at Turin, noong Sabado.

Simple lang ang mga rules: Maaring kunin ang kahit na anong libeng damit na gusto niyo, basta't wala kayong suot na damit!

Overnight na nagsipila ang mga tao sa ginaw, nang naka-panloob lang!

Ang unang pila ng isang daang customer ay pinayagang mag-uwi ng kahit na anong damit na magustuhan nila -- libre at walang bayad!

Ang natirang mga customer ay binigyan ng 50 percent discount sa lahat ng damit na nasa tindahan.

Ang semi-naked parties ng Desigual ay nakaakit ng lampas sampung libong tao, siyam na taon nang nakalipas. Ang mga party na ito ay isinagawa na sa London, Madrid, Berlin, Tokyo, at New York.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended