Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/12/2015
Isang kriminal, kusang bumalik sa bilangguan dahil sa sobrang ginaw!

Kung may balak kayong tumakas mula sa bilangguan...

Huwag gayahin si Robert Vick.

Siya ay tumakas mula sa Blackburn minimum security prison sa Kentucky noong Linggo.

At nagkataon na ang kanyang pagtakas ay nasa pinakamalamig na gabi, itong nakaraang isang daang taon!

Umabot siya sa Sunset Motel, pero hindi siya natulog doon.

Dahil naisipan niyang mas okay ang lugar na ito, kung saan walang nakatira.

Labing-anim na oras matapos siyang tumakas, ay naninigas na siya sa ginaw.

Noong Lunes, alas kwatro ng hapon, nakarinig ng katok sa pinto ng kanyang opisina ang motel manager na si Maurice King.

Ayun si Vick, humihiling na tawagan nila ang pulis para makabalik siya sa bilangguan.

Siya ay binalik sa bilangguan, at sinugod sa ospital.

Kung kayo ay desidido pa rin na tumakas mula sa bilangguan, huwag mong ituloy ang plano kung dalawang buwan na lang at mapa-parole ka na! Gaya ni Vick, na hindi talaga ginamit ang kanyang utak.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended