Waitress sa Oregon, binigyan ng tip na crystal meth imbes na pera!
Isang waitress sa Twisted Fish Steakhouse and Sports Lounge sa Seaside, Oregon, ang nakatanggap ng kakaibang tip noong Huwebes, nang bayaran ng dalawang customer ang kanilang bill sa pamamagitan ng gift card, at nag-iwan ng sobreng may question mark.
Ang laman -- crystal meth!
Kalmadong tinawagan ng waitress ang pulis. Nasa restarant pa rin ang customer na sina Ryan Benson at Erica Manley nang dumating ang pulis, na nakahanap ng labimpitong ounces ng meth sa bag ni Manley.
Ang dalawa ay nakatira sa nalalpit na Holiday Inn Express, at sa kanilang kuwarto ay natagpuan ng pulis ang isang torch, mga baterya, at iba pang kasangkapan ng isang meth lab.
Sila ay nakasuhan ng possession and manufacture of meth. Si Manley ay nakasuhan din ng delivery.
Ayon sa manager ng restaurant, bihira ang ganitong mga pangyayari sa restaurant, at sila ay mas sosyal naman kaysa sa ibang lugar.
Sa sobrang pagka-sosyal, ay ginamitan nila ng Latin ang kanilang website!
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH