Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/12/2015
Adultery sa Taiwan, hindi mapatunayan hangga't walang ebidensiya ng aktuwal na sex!


Pagdating sa batas sa Taiwan, ang mga hubad na litrato ay hindi daw ebidensiya ng adultery.

Ang asawa ng isang doktor na nagngangalang Ding, mula sa Kaohsiung, Taiwan, ay nakahanap ng mga litrato ng doktor, na nakahubad, na may kasamang nurse sa isang kama!

Nakahanap din ang asawa ng mga malalaswang mensahe sa messenger chat ng doktor! Mga mensaheng, "I wish you were here para makapaghalikan tayo," at "Napakasarap makipag-sex sa iyo."

Sa kanyang galit ay dinemanda ng babae ang doktor at ang nurse. Pero ayon sa prosecutor, hindi sapat ang mga litrato nila na magkasamang nakahubad at nakahiga sa iisang kama -- dahil hindi sila nakunang nag-se-sex! Kaya ito daw ay hindi kaso ng adultery!

Para daw kasuhan sila ng adultery, kailangang may direktang ebidensiya na talagang may sex na nangyari sa pagitan nila.

Para naman sa mga malalaswang mensahe sa messenger chat, hindi rin daw ito ebidensiya na nag-sex ang dalawa. Kahit na may mensaheng nagsabing "ang sarap makipag-sex sa iyo"???

Hindi naming maintindihan kung bakit kailangang umabot sa gamit na condom ang ebidensiya para kasuhan ang dalawang tao ng adultery. Mukhang kailangang baguhin ng Taiwan ang batas pagdating sa mga kasong ganito!







For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended