German grocery ALDI, nag-order ng saging, napadalhan ng cocaine!
Exciting news para sa mga Germans na mahilig mangamoy ng saging!
Aldi, ang kilalang grocery chain sa Germany, ay nakatanggap ng isang malaking sorpresa sa isang shipment ng saging mula sa Colombia kamakailan!
Nahulaan niyo na ba kung ano ang sorpresa?
Kung ang hula ninyo ay cocaine...
Na tinatawag rin na Colombian marching powder...
Na tinatawag rin na Nose Nachos at Gutter Glitter...Tama kayo!
Isang daan at apatnapung kilo ng cocaine!
Ayon sa mga imbestigador sa Germany, ang cocaine ay bumiyahe sa barko mula sa Colombia, hanggang sa Hamburg, pero nagkamali ng direksiyon ang mga traffickers.
Oops!
Ayon sa German police, imposibleng ma-track ang lahat ng pumapasok mula sa Hamburg.
Kaya huwag nang magulat kung biglang mag-snow na naman sa Germany!
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Be the first to comment