Lalaking galing sa NY, natagpuan sa DC, salamat sa isang litrato sa diyaryo!
Isang lalaki na galing sa New York State, na nawala noong New Years Day, ay nahanap ng kanyang pamilya, matapos malagay nang hindi sinasadya sa front page ng USA Today ang kanyang litrato.
Ang AP photographer na si Jaquelyn Martin ay kumuha ng mga litrato para sa kanyang assignment sa Washington DC. Kinunan niya ang litrato ni Nick Simmons, na inakala niyang isang homeless na lalaki. Kinabukasan, ay nasa diyaryo ang litrato ni Nick.
Sa New York, ay tinawagan ng pamilya ni Nick ang ina nito, matapos nilang makita ang litrato ng lalake sa diyaryo. Nagkagulo ang mga taong gustong hanapin si Nick.
Tinawagan ng ina ni Simmons ang local police, na tinawagan ang Metro DC police, para mahanap si Nick. Ang ama at kuya naman ni Nick ay tumungo sa DC. Nahanap ng DC pulis si Nick, at sinamahan nila ito sa paghintay sa kanyang pamilya.
Walang nakakaalam kung bakit nawala noong New Years Day si Nick, o kung paano sya napadpad sa Washington DC, na may 384 na milya ang layo sa kanyang tinitirhan. Wala siyang dalang wallet, cellphone, o kahit na anong personal na bagay.
Nagkataon lang talaga, na sa loob ng isang daan, dalawampu't pitong litratong na-publish sa AP wire noong araw na iyon, ay pinili ng USA Today ang litrato ni Nick -- na nakita ng kanyang pamilya.
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH