Canadian na lalaki, nagbigay ng $50 sa mga taong nagpasipa sa testicles!

  • 9 years ago
Canadian na lalaki, nagbigay ng $50 sa mga taong nagpasipa sa testicles!


Ang mga lalaking nasipa sa kanilang mga testicles ay isa sa mga pinaka-popular na videos sa internet...

Kasunod ng mga cute na pusa; at pornograpiya.

Kaya hindi natin masisi ang Canadian news media, para sa kanilang pangongopya ng istorya sa Vancouver Sun. Sa video na ito, isang lasing na lalaki sa Granville Street sa Vancouver ang nag-offer ng 50 dollars sa kahit na sinong papayag na pasipain sa kanya ang kanilang mga balls.

Hindi man nakakatawang panoorin ang mga taong nangangailangan ng pera na magpasipa sa testicles, nakakatawang panoorin ang Canadian media na magkunwaring naaawa para lang makuha ang atensiyon ng mga manonood.

Kung napaka-graphic nga, eh bakit paulit-ulit nilang pinapakita ang video?!

Isa pa itong lalaking ito, na kinunan daw ang mga pangyayari dahil may tao raw na dapat kumilos.

Tama. Sigurado kaming pagkalabas niya mula sa bar, nakita niya ang isang lalaking natadyakan sa testicles, at ang una niyang ginawa ay kunin ang kanyang phone para kunan ng video ang nangyari, dahil mali ito at kailangang malaman ng buong mundo!

Ito ay isa sa mga lalaking nasipa at kumita ng 50 dollars. Okay naman daw siya pagkatapos...


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended