Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/12/2015
Ang pinakamataas na water slide sa buong mundo, magbubukas na sa May 23!


Ang salitang 'Verruckt' ay 'baliw' sa German, at ito rin ay ang pangalan ng pinakamataas, at pinaka-daring na water slide sa buong mundo. Ito ay matatagpuan sa Schlitterbahn Water Park, sa Kansas City, at magbubukas sa May 23.

Ang adventure ay magsisimula sa pinakababa ng hagdanan, kung saan ang mga sasakay ay aakyatin ng pitong minute, ang dalawang daan at animnapu't apat na hagdanan.

Apat na tao ang sasakay sa isang raft, na babagsak mula sa taas na may 17 floors, o 170 feet, sa bilis na 65 miles per hour.

Ng bilis at taas ng Verruckt ay halos kapantay ng isang "hypercoaster," kung saan mae-experience ng mga riders ang negative g-force.

At hindi magtatapos ang excitement pagdating natin sa baba ng slide.

Gamit ang Master Blaster system, itutulak ng malakas na alon ng tubig ang mga nakasakay, pabalik sa ere, five floors ang taas.

Mula doon ay magla-landing tayo sa kabilang side, kung saan magtatapos ang ride.

May mga taong hindi makapaghintay na subukan ito, pero ang marketing campaign mismo ay nagtatanong, "R U insane?"

Ang Verruckt ay malalampasan ang taas ng Guinness World Recolrd Holder -- ang 14-story-high na Insano, sa Brazil.

Para maintindihan natin kung gaano kataas ang Verruckt, mas mataas pa ito kaysa sa Niagara Falls, at Statue of Liberty!

Malapit nang matapos ang construction, at ayon sa park director na si Layne Pitcher, idadaan sa extensive testing ang Verruckt bago ito magbubukas sa publiko.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended