VIDEO: Rob Ford, nalasing at nagmura ng Jamaican sa loob ng isang restaurant!

  • 9 years ago
VIDEO: Rob Ford, nalasing at nagmura ng Jamaican sa loob ng isang restaurant!


Surprise, surprise! Si Rob Ford ay nalasing na naman!

Sorry, masyado kaming excited. Anyway.

Isang video ang kumalat noong Martes, kung saan ang mayor ng Toronto, Canada, ay lasing na nagsasalita ng Jamaican, sa loob ng Steak Queen restaurant.

Galit na nagsalita si Ford tungkol sa limang buwang imbestigasyon sa kanya, ng police Chief na si Bill Blair.

Hindi magandang salita ang 'bumbaclot.' Hindi lang namin na-bleep-out iyan kasi malamang ay hindi alam ng mga magulong ninyo kung ano ang ibig sabihin nito.

Lalo na kung isa mga magulang ninyo si Rob Ford.

Hindi na issue ang Jamaican accent ni Rob Ford. Ang tunay na issue ay ang kanyang pagkalasing sa publiko, isang linggo matapos niyang mangako na hindi pa siya umiinom mula pa noong Nobyembre.

Sa isa pang video mula sa Steak Queen noong Lunes, makikitang kasama ni Ford ang kanang kaibigan na si Alexander "Sandro" Lisi.

Si Lisi, na kasalukuyang nakapagpiyansa para makalaya, ay nakasuhan ng pananakot sa mga drug dealers na sinubukang ibenta ang crack tape noong Mayo. Siya rin ay nakitang nakikipagpalitan kay Ford ng mga package na mukhang may laman na droga, sa mga kaduda-dudang lugar, sa police surveillance noong isang taon.

Halatang hindi pa bumabaliktad sa mayor para makaiwas sa felony charges itong si Lisi. Kaya mukhang may mga kaibigan pang natitira itong si Rob Ford...pero huwag nang asahan na suportahan siyanng mga Jamaicans, matapos kumalat ang video na ito.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended