Teenager, napaalis sa prom, dahil panay titig sa kanya ng mga tatay na chaperone!

  • 9 years ago
Teenager, napaalis sa prom, dahil panay titig sa kanya ng mga tatay na chaperone!


Babaeng teenager, napaalis mula sa homeschool prom, dahil hindi maiwasan ng mga tatay na titigan ito!

Ito si Clare, ang 17-year-old na Amerikana, na napaalis mula sa Richmond Homeschool Prom.

Pagdating niya sa prom, isang organizer ang nagsabi sa kanya na masyadong maikli ang kanyang damit.

Pinatunayan ni Clare sa organizer na ang damit niya ay nasa requirement ang haba, bago siya pinayagang pumasok sa ballroom.

Sabi ni Clare, siya ay nagsayaw at nakipagkuwentuhan sa kanyang mga kaibigan. Sinabi rin niya na sila ng kanyang mga kaibigan, ay nandiri sa isang grupo ng mga tatay, na nakatingin sa dance floor mula sa balcony.

Sinabi daw ng organizer kay Clare na ayon sa mga tatay, masyadong sexy ang pagsayaw ni Clare, at maari daw itong makapagbigay ng 'impure thoughts' sa mga lalaking estudyante sa prom.

Talaga bang concerned ang mga tatay para sa mga batang lalake? O mukhang ang mga tatay ang naaakit sa pagsayaw ni Clare?

O baka may iba pang dahilan? May mga nagsabing si Clare at napaalis dahil sa kanyang kakulangan sa color coordination.

Ang damit ni Clare ay nakakasilaw, samantalang naka-itim ang kanyang ka-date. Anuman ang dahilan, si Clare ay napilitang umalis, at sinamahan siya ng kanyang mga kaibigan.

Isinagawa ang prom sa Shady Grove United Methodist Church. Baka kasi napaka-konserbatibo ng church?

Sinulat ni Clare sa blog ng kanyang kapatid, na hindi siya responsable para sa pagnanasa ng mga middle-aged na tatay, dahil siya ay nakasuot ng magandang bestida, at malaki ang kanyang puwit. At kung sa palagay niyo ay siya ay may kasalanan, baka kayo ang may problema.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH