Mga bata, seryosong nasaktan, matapos silang madala ng bouncy castle na napalipad sa ere!

  • 9 years ago
Mga bata, seryosong nasaktan, matapos silang madala ng bouncy castle na napalipad sa ere!


Dalawang bata ang seryosong nasaktan, nang nadala sila sa isang bouncy castle na napalipad sa ere!

Dalawang batang lalake mula sa upstate New York ang seryosong nasaktan, nan gang bouncy castle kung saan sila'y naglalaro, ay napalipad sa ere, dahil sa malakas na hangin.

Tatlong maliliit na bata ang naglalaro sa isang Little Tykes' bounce house, na napako naman sa lupa, sa isang madamong lugar, sa labas ng isang bahay sa South Glen Falls, New York.

Isang malakas na hangin ang nagdala sa bounce house sa ere.

Isnag 10-year-old na batang babae ang nasaktan ang balikat nang napalipad ang bouncy castle. Pero ang dalawang lalake ay hindi ganoon kasuwerte. Isa sa kanila ang nahulog sa kalsada, mula sa taas na may 15 feet, at nabali ang mga buto sa kanyang katawan. Isa naman ang nagkaroon ng seryosong pinsala sa ulo, matapos siyang mahulog sa likod ng isang naka-park na sasakyan, mula sa taas na may 20 feet.

Patuloy na lumipad ang bouncy castle, hanggang sa umabot ito sa taas na may 100 feet, bago ito napahinto sa mupa ng nalalapit na eskuwelahan. Ang mga bata ay nagpapagaling sa ospital.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended