Pulis sa Pennsylvania, niligtas ang asong na-stuck sa putik nang tatlong araw!
Police rescue dog, na-trap sa mamalim na putik.
Okay lang na madumihan ang mga police officers sa Pennsylvania, basta't maligtas nila ang kanilang best friend.
Nagtaka si Sheila Shorr nang hindi umuwi ang kanyang 13-year-old na asong si Pluto, Martes ng gabi.
Tatlong araw niyang hinanap ang kanyang alagang aso, at nang nakita niya ito, si Pluto ay nakalublob sa putik, na may dalawang talampakan ang lalim.
Pilit na inangat ni Pluto ang kanyang ilong sa ibabaw ng putik, hanggang sa dumating ang tulong.
Ang mud pit na ito ay malapit sa isang sapa, na hindi malayo sa bahay ni Shorr.
Nag-struggle si Pluto nang animnapung oras.
Ito ang eksena kung saan naitawag ang mga pulis, Biyernes ng umaga.
Naghanda sila ng makeshift gurney, at hindi na sila nagdalawang-isip sa pagtalon sa putik paga maligtas ang aso.
Dalawang officers ang kinailangan para maialis sa putik si Pluto.
Nakunan ng video ang huling sandal ng pagligtas sa aso.
Halos hindi makagalaw ang aso nang ito ay naidala sa beterinaryo.
Ayon kay Shorr, hindi pa naaayos ang balahibo ni Pluto, at siya ay may pilay, pero unti-unti na itong nagpapagaling.
Buti na lang at nakita siya ni Shorr, at salamat kila officer Mike Kushner at Sergeant Michael Martin sa kanilang mabilis na pagkilos. Get well soon, Pluto!
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH