Canadian na ina, nakipagbugbugan sa isang bastos na pasahero sa bus!

  • 9 years ago
Canadian na ina, nakipagbugbugan sa isang bastos na pasahero sa bus!


Isang Canadian na ina, binugbog ang isang payat na babaeng tinakot ang kanyang mga anak, habang nakasakay sila sa bus!

Ito ang isang still mula sa graphic na cellphone video, na ipinapakita kung paanong pino-protektahan ng isang ina ang kanyang mga anak.

Sa blue corner, andito ang payat na babaeng naka-hoodie. Matapang siyang magsalita, pero kaya ba niyang suportahan ang kanyang panghahamon? Dito sa red corner, si Big Mama, na gaya ng isang Canadian grizzly, ay proprotektahan ang kanyang mga anak -- anuman ang mangyari.

Nagsimula ang lahat sa isang biyahe papuntang Langley Willowbrook mall, nang ang payatot na naka-hoodie ay sumakay sa bus nang hindi nagbabayad. Nagkaroon ng away, at gumamit siya ng mga bastos at X-rated na salita.

Hindi natuwa si Big Mama, at sinabihan niya si payatot na huwag gumamit ng bastos na pananalita sa harap ng kanyang mga anak.

Nagalit lalo si payatot, na sinabi kay Big Mama na papatayin niya ang kanyang mga anak, sabay duduraan ang kanilang mga libingan!

Nagwala si Big Mama, na inatake si Payatot, at pinagmumura din ito. Dahil dito, ay pinababa sila ng driver mula sa bus, malapit sa mall.

Pagbaba nila, ay gumanti si Payatot, na inatake ang dalawang anak ni Big Mama, sabay labas ng isang can opener! Pinaghahamon niya si Big Mama, hanggang sa dumating na rin sa wakas ang mga pulis.

Naaresto si Payatot, at nakasuhan ng assault.
Nasa tama ba si Big Mama, sa insidenteng ito? Mag-iwan ng opinyon sa comments.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended