Springfield police, paulit-ulit na tinaser ang isang suspect; nagdedemanda ngayon ang kanyang pamilya!
Pulis, tinaser ang isang lalake hanggang sa mapasuko ito; nagdedemanda ngayon ang pamilya nito para sa brutality!
Sumobra ba ang pulis sa pag-aresto sa lalaking ito? Kayo na ang bahalang humusga.
Dumating ang mga officers sa bahay ng suspect sa Springfield, Missouri, dala ang mga arrest warrants.
Natakot ang suspect, o baka hindi lang nag-isip nang mabuti, at tinakasan niya ang mga pulis.
Tumakbo siya sa likod ng bahay, kung saan siya ay na-taser ng mga officers, na gusto siyang pahintuin.
Patuloy na nag-struggle ang pulis at lalake, habang ni-record ng kamag-anak ng suspect ang mga pangyayari.
Ilang beses na tinaser ng pulis ang lalake, para mapasuko ito. Isang kalbong babae ang sinigawan ang mga officers, habang ang nag-rerecord ng video ay nag-iisip ng paraan para kumita mula sa insidenteng ito.
Kinuha ng mga officers ang camera mula sa lalaking nag-rerecord, at iyon na ang huli naming balita tungkol sa kuwentong ito.
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH