Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/12/2015
Single mom, napilitang mag-prostitute dahil sa utang sa isang loan shark!

Noong isang linggo, na-raid ng pulis ang ilegal na brothel na ito, na nagkukunwaring betel nut stand -- at naligtas nila ang dalawang babaeng Indonesian workers sa Hsinchu City, Taiwan. Isa sa kanila ay isang 27-year-old na single mom, na nagtrabaho sa Taiwan matapos makipaghiwalay sa kanyang asawa.

Ayon sa immigration officer na si Chen Wei-Chung (陳維宗), ang babae ay napilitang maging prostitute dahil may malaki siyang utang sa isang loan shark sa Taiwan.

Matapos niyang matakasan ang dati niyang employer, ang single mom na ito ay nakulong sa brothel, kung saan siya ay napilitang mag-service ng mga lalake, nang mahigit dalawang daang beses sa loob ng apat na buwan, at napilitan pa rin siyang magtrabaho kahit na siya ay nireregla.

Pumayag lang ang babae na maging prostitute, dahil sa laki ng kanyang utang, at para maalagaan ang kanyang anak at mga magulang sa Indonesia. Ang kanyang bayad ay 40 USD para sa dalawampung minuto, pero kinuha ng 45-year-old na madame na si Lai Xiu-Ping (賴秀萍) ang mahigit sa kalahati ng kinikita nito, at pinilit na magtrabaho nang walang pahinga ang babae.

Nang naligtas ang babae, ay sinabi niyang hindi niya inakalang mauuwi siya sa ganitong klaseg sitwasyon, at buti na lang at siya ay naligtas ng mga pulis.

Ang madame, at tatlong lalaking nagsisilbing mga bodyguard niya, ay naaresto noong Biyernes, at makakasuhan ng human trafficking.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Category

🗞
News

Recommended