Skip to playerSkip to main content
  • 10 years ago
Brad Pitt, nasuntok sa mukha nang walang dahilan!

Ang aktor na si Brad Pitt, na minsang umarte bilang Airport Cop #1 sa "No Way Out" at Guy at Beach with Drink sa 1987 flop na "Hunk," ay maraming mga admirers...na makikita natin sa video na ito, kung saan masaya siyang nagbibigay ng autograph sa kanyang mga fans, sa premiere ng bagong pelikula ni Angelina Jolie. Pero mukhang hindi niya fan ang Ukranian na lalaking ito, na sinuntok ang aktor sa mukha!

Miyerkules ng gabi, nag-o-autograph si Mr. Pitt, at hindi niya namalayan ang 25-year-old na Ukranian na si Vitalii Seduik, na nakasingit sa harapan ng nakaipon na grupo ng fans. Nang nakalapit na siya ay Brad, ay sinuntok niya ito sa mukha!

Ito ang video ng mga pangyayari...pasensiya na at hindi ito malinaw.

Ang mga bodyguard ni Brad, na obviously ay kailangang bumawi matapos masuntok sa mukha ang kanilang boss, ay hinuli ang Ukranian, at pinaaresto ito sa mga pulis.

Pagkatapos ng lahat ng ito, ay nagpatuloy sa pag-autograph si Brad. Pro na pro!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Be the first to comment
Add your comment

Recommended