Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/12/2015
Teddy bear GPS, nakatulong sa paghuli ng magnanakaw sa Georgia!


Lalake, nahuli gamit ang isang maliit na teddy bear sa Georgia!

Gumamit ang Athen-Clarke County police ng GPS tracker, na itinago nila sa isang teddy bear, para mahuli ang isang magnanakaw, Martes ng umaga.

Nahuli nila si Melvin Junior Wilde na nagnanakaw ng damit mula sa isang donation bin sa Georgia Square Mall.

Nagsawa na kasi ang manager ng Mid-Atlantic clothing Recycling Company, na palaging nananakawan ng damit ang kanilang donation bin, kaya nagtago siya ng GPS sa isang teddy bear at inilagay ito sa loob ng isang bag ng damit.

5:30am noong Martes, tinawagan niya ang pulis para i-report na ang teddy bear ay 'on the move.'

Na-track ng pulis ang location ng bear sa Clarke Crossing shopping center, kung saan natagpuan ng pulis si Wilfe, na naglalagay ng bag ng damiy sa isa pang donation bin, na ayon sa kanya ay mga sobrang damit mula sa isang flea market.

Nang tinanong siya ng pulis tungkol sa bag na nasa backseat ng kanyang kotse, sinabi ni Wilde na dinala niya ito mula sa kanyang bahay. Inabot ng officer ang bag, at hinila palabas ang teddy bear. Buking!

Inamin rin ni Wilde na ninakaw niya ang mga damit, at siya ay nakasuhan ng misdemeanor theft.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended