Truck driver, natamaan at napatay ng lumilipad na takip ng manhole!
Truck driver na galing sa Massachusetts, napatay ng isang lumilipad na manhole cover sa Bronx!
Isang minalas na truck driver ang napatay, Miyerkules ng umaga, nang isang manhole cover ang natanggal, napalipad, at tumagos sa windshield ng kanyang sasakyan.
Ang 35-year-old na driver na si Jose Duran, ng Springfield, Massachusetts, ay nagmamaneho sa I-95 Cross Bronx Expressway, nang nakalas ang isang manhole cover.
Ayon sa mga imbestigador, may dumaan na isa pang sasakyan, kaya napalipad sa ere ang manhole cover, na tumagos sa windshield ni Duran, at tinamaan si Duran sa ulo.
Bumangga ang truck ni Duran sa isa pang truck, bago sila napahinto.
Inalis ng emergency services si Duran mula sa truck at siya ay dinala sa ospital, kung saan siya ay kinumpirmang patay. Kasalukuyang iniimbestigahan ang insidente.
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH