Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/12/2015
Murder plan ng isang teenager, nabuking dahil sa pekeng Facebook account ng kanyang tita!


Teenager, na-catfish ng kanyang tita sa pamamagitan ng pekeng Facebook account; nabuking ang pinaplano niyang murder!

Isang biro na isinagawa ng isang babae sa Alabama, sa kanyang pamangkin sa Facebook, ang nauwi sa isang nakakatakot na katotohanan -- pinaplano pala ng teenager na patayin ang kanyang pamilya, pati ang alaga nilang aso!

Ang 19-year-old na si Marissa Williams, ay nakitira sa bahay ng kanyang tita noong April, at madalas silang mag-away dahil mahilig mag-uwi ang teenager ng mga taong nakikilala niya sa Internet. Dahil friends sila sa Facebook, na-unfriend ni Marissa ang kanyang tita, para ipakita dito na galit siya.

Ang kanyang tita, na desididong turuan si Marissa ng leksiyon tungkol sa pakikipagkaibigan sa mga online strangers, ay gumawa ng pekeng Facebook account sa pangalang "Tre Topdog Ellis." Kinaibigan niya si Marissa, na walang kasuspe-suspetya. Agad niyang ibinigay ang kanyang personal na impormasyon, pati phone number at address. Pagkatapos ay inimbita pa niya si 'Tre" na makipagkita, at inalok pa ito ng sex kapalit ng pagbayad ni "Tre" sa kanyang phone bill.

Si Marissa ay nakipag-plano pa kay "Tre" na magsagawa ng pekeng pag-kidnap sa kanya, para makaalis siya mula sa bahay ng kanyang tita. Sinabi ng teenager kay "Tre" na patayin ang kanyang tita, kapag pinigilan sila nito, pati ang fiancé, anak at aso nito.

Ini-report ng tita ang plano ni Marissa sa pulis, na dineny ng teenager. Nag-sorry din siya sa kanyang tita...pero sapat na ba ito?


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Category

🗞
News

Recommended