We're going down! Piloto, napilitang tumalon mula sa eroplano!
Isang piloto na nagpapalipad ng eroplano para sa mga skydivers, ang napilitang mag-skydive rin, sa kauna-unahang beses, dahil sa emergency!
Ang skydiving pilot na si Shawn Kinmartin ay hindi naman labag sa ideya ng skydiving, pero never pa niya itong nasubukan. Sa pagkakataon na ito, ay wala siyang choice!
Noong isang linggo, si Pilot Kinmartin ng Missouri ay nakarinig ng malakas na ingay, matapos tumalon ang isa sa kanyang mga skydivers.
Matapos ma-assess ng ikalawang piloto, na lumipad para i-check ang damage, nalaman ni Kinmartin na ang buntot ng kanyang Cessna ay nabaluktot nang tuluyan at imposibleng makapag-landing ito.
Dahil wala siyang choice, tumalon si Shawn mula sa eroplano, nang 2,000 feet ang layo mula sa lupa.
Hinili niya ang cord sa parachute na suot-suot niya, at pagkatapos niyang tumalon ay nakita niyang nag-crash sa isnag field ang kanyang eroplano. Walang nasaktan sa insidente.
Nang tinanong siya kung siya ay magsa-skydive ulit, tumawa si Kinmartin at sinabing, "sure...kung tandem jump ito at mula sa mas mataas na distansiya."
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH