Isang biro, nauwi sa sunog na ikinamatay ng isang babae sa Connecticut!

  • 9 years ago
Isang biro, nauwi sa sunog na ikinamatay ng isang babae sa Connecticut!

Babae, namatay matapos maghagis ng nakasinding sparkler ang isang teenager sa loob ng kanyang kuwarto!

Ang 19-year-old na si Kristen Milano, ng Southington, Connecticut, ay namatay -- matapos ang isang biro na isinagawa ng kaibigan ng kanyang kapatid na lalake.

Si Eric Morelli ay nagmaneho mula sa kanyang bahay, papunta sa apartment ni Milano, Linggo ng umaga, para magsagawa ng isang practical joke.

Sinindihan niya ang isang sparkler, at hinagis ito sa bukas na bintana ng isang kuwarto, para masindak ang kapatid ni Kristen.

Ang hindi alam ni Morelli, ay sa baba ng bahay natutulog ang kanyang kaibigan, habang natutulog sa kama ng kanyang ina si Kristen.

Nang nagsimula ang sunog, nakatakbo palabas ng bahay ang kapatid n Kristen; pero dahil natutulog si Kristen, naiwan siya sa loob ng kuwarto sa itaas.

Noong una ay natuwa pa ang pamilya ni Kristen, na inakalang wala si Kristen sa bahay, at walang nasaktan sa sunog.

Pero nang natagpuan ng emergency responders ang katawan ni Kristen sa nasunog na bahay, doon lang nila nalaman na nasa bahay pala ito, at namatay dahil sa smoke inhalation.

Si Morelli ay kinakasuhan ng manslaughter at tatlong bilang ng reckless endangerment. Ayon sa kanyang abugado, siya ay maayos na nakikipag-koopera sa pulis, at nakahandang rumispondi sa mga kaso sa korte.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended