Kakaibang mensahe, nakatulong sa paghanap sa may-ari ng isang chihuahua sa Taiwan!
Mensaheng nakasulat sa isang lost and found box, nakatulong sa paghanap sa may-ari ng isang Chihuahua.
Mabilis lutuin, masarap ang laman. Nasaan ang may-ari ng Chihuahua na ito?
Huwag mag-alala! Ang mensaheng ito ay isang mapanglikhang paraan para tulungan ang aso na mahanap ang kanyang may-ari.
Ang Chihuahua ay natagpuan sa isang kalsada sa Taichung, Taiwan, dalawang araw nang nakalipas, ng isang may-ari ng tindahan ng mga motorsiklo. Ayon sa shop owner na si Liao, maraming sasakyan ang dumadaan sa harap ng kanyang shop, kaya inilagay niya ang aso sa isang box, kasama ang mensahe, sa pag-asang may makakabasa nito na kilala ang may-ari ng aso.
Maraming nasindak sa mensaheng nagpapahiwatig ng pagkain sa aso, at mabilis na nakatanggap ng tawag ang may-ari ng Chihuahua, na agad na sinundo ang kanyang alaga. Sa loob lang ng tatlong oras ay nagkitang muli ang may-ari at ang aso!
Natawa ang may-ari ng aso nang nakita niya ang text sa kahon. Ayon sa may-ari ng aso, tumakas ang Chihuahua mula sa kanyang bahay nang binuksan niya ang pinto; buti na lang at napulot ito ni Liao, at hindi ng ibang taong tutoong kumakain ng aso.
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH