Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/12/2015
Aso na dalawang taon nang nawawala, natagpuang ligtas malapit sa isang lago!

Isang mag-asawa ang nawalan ng golden retriever, na tumakbong paalis nang natakot siya ng pagpapaputok ng baril sa Tahoe National Forest noong November 2012.

Si Murphy, na 5-year-old retriever, ay nagka-camping kasama ang kanyang mga owners na si Nathan at Erin Brauns, nang natakot ito ng baril. Hinanap siya ng mga Brauns, pero hindi na nila ito nakita.

Umasa silang mahahanap din nila si Murphy; nag-setup sila ng Facebook page kung saan pwedeng mag-post ang mga tao tungkol kay Murphy.

Itong nakaraang buwan, sa French Meadows Reservoir campsite, limag milya mula sa lugar na nawala si Murphy, may nakakita ng aso na nag-match sa kanyang description.

Nagpunta ang mag-asawang Braun sa campsite para iwan ang kumot ni Murphy at baseball cap ni Nathan, na ugaling tulugan ni Murphy.

Naakit din papunta sa isang kennel si Murphy, at nakuha siyang muli ng mga owners.

Payat na payat ang aso, at naiba na ang itsura nito sa Murphy na nawala, dalawang taon nang nakalipas, pero ayon sa mag-asawang Braun, 99 percent sure sila na ito nga si Murphy. Yay!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended