Isang jockey, nakaladkad ang isang deputy sa isang traffic stop!
Marami tayong narinig na kuwento tungkol sa mga kabayo na nakaladkad ang mga jockey...pero nabalitaan niyo ba ang tungkol sa jockey na nakaladkad ang isang police officer?
Nangyari ito, Linggo ng gabi, nang pinahinto ni Marion County sheriff deputy Christopher Frost ang isang silver pickup truck na may mga license plates na matagal nang nag-expire.
Nang chineck ni Frost ang license plates, nalaman niya na ang suspect ay may kaduda-dudang nakaraan, at sa taon palang na ito ay nagkaroon na siya ng pitong license suspensions.
Ang driver ay si Abdeil Toribio, isang jockey na kumikita ng 26.7 million dollars. Ang galing, diba? Ito ang kabaligtaran ng pagkilos ni Toribio, Linggo ng gabi.
Ayon sa kanyang report, nang nilapitan ni Deputy Frost si Toribio, hindi mapatunayan ni Toribio na siya ang may-ari ng pickup.
Nang tinangkang arestuhin ni Frost si Toribio, pinaandar ni Toribio ang truck at mabilis na tumakas, habang nakasabit ang police officer! May 50 yards din na nakaladkad sa gilid ng pickup si Frost, bago niya napahintong muli si Toribio.
Si Toribio ay haharap sa kasong driving with a license that was suspended or revoked for DUI, unregistered motor vehicle, attaching an unassigned tag to a motor vehicle, at resisting an officer with violence.
Ang kanyang paliwanag na pagtakas at pagkaladlad sa police officer? Gusto lang daw niyang huminto sa gilid ng kalsada para makaiwas sa traffic.
Mensahe naming para kay Toribio... Riding..good! Driving...bad!
Para sa mas mahabang video, magpunta po sa tomonews.net.
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH