Chinese billionaire, hindi tinupad ang pangakong mamigay ng pera; nagalit ang mga homeless!

  • 9 years ago
Chinese billionaire, hindi tinupad ang pangakong mamigay ng pera; nagalit ang mga homeless!


Chinese na bilyonaryong nangakong mamigay ng pera sa mga nangangailangan sa US -- hindi pinanindigan ang kanyang pangako!

Ang Chinese tycoon na si Chen Guangbiao ay nangakong manlibre ng dinner sa mamahaling Central Park Boathouse restaurant sa New York, para sa tatlong daang 'poor and destitute Americans.'

Bukod sa steak at sesame-encrusted tuna, nangako si Chen na magbigay ng 300 US dollars para sa bawat taong magpunta sa event -- na kakantahan niya ng "We are the World."

Ang event ay super pro-communism, at ang mga local Chinese ay nagsuot pa ng Maoist soldier uniforms.

Ang New York City Rescue Mission ay nakipag-partner kay Chen, sa isang kondisyon -- na ang 90,000 dollars na kanilang maiipon ay ido-donate sa kanilang charity, imbes na direktang mapunta sa mga tao.

Ayon sa PR director ng mission na si Michelle Tolson, araw-araw nilang kaharap ang mga homeless, at dahil sa kanilang problema sa pag-inom at droga, hindi nakakabuti sa kanila ang mabigyan ng malaking halagang pera.

Hindi natuwa ang mga tao nang nalaman nila na hindi sila mabibigyan ng pera sa event. Ayon kay Harry Brooks, na isang Vietnam war vet, hindi niya kailangan ng steak -- ang kailangan niya ay perang pambayad ng pagkain at utang.

Nagpunta sa stage si Chen para makakuha ng litrato, at sinabi niyang magbibigay pa rin siya ng 300 dollars para sa bawat tao kapag nagpunta sila sa Rescue Mission para kolektahin ang pera.

Matapos kumain ng dessert, nabigyan ng bagong pag-asa ang mga homeless sa New York, na sumakay sa mga bus papunta sa mission. Pero nang hindi nagpakita si Chen, ay kinailangang harapin ng executive director ng mission na si Craig Mayes ang mga tao...na minura siya dahil umasa silang mabibigyan sila ng pera.

Ang dapat nilang puntahan at murahin ay itong si Chen Guangbiao.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subs

Recommended