Ayon sa mga doktor, ang matamaan ng kidlat ay isa sa loob ng pitong daang libong pagkakataon, at kakaunting tao lang ang hindi namamatay dahil dito.
Naisip niyo ba kung maliligtas kayo, sakaling mangyari ito sa inyo?
Maaraw noong Sabado ng hapon, sa Newnan, Atlanta, nang nagwawalis sa kanyang bakuran si Sean O'Connor.
Hindi niya napansin ang biglaang pagbago ng panahon, at nang namalayan niya ito, ay huli na ang lahat.
Natamaan siya ng kidlat, na sa sobrang lakas ay nalasahan niya ang dugo sa kanyang bibig, at nasunog ang buhok sa kanyang mga binti. Isa sa kanyang suot na boots, na nag-uusok, ay napunta sa ibang lugar.
Ang kidlat na tumama kay Sean ang nagpatalsik sa kanya, mula sa kanyang mga boots, at sa sobrang lakas ng tama nito sa kanyang puso ay nagkaroon siya ng irregular heart beat.
Tinawagan niya ang kanyang asawa, at kinunan ng video ang kanyang nagdurugong dila at nag-uusok na boots para mapatunayan ang nangyari sa kanya.
Sinugod siya ng kanyang asawa sa ospital, kung saan siya ay nagamot para sa irregular heartbeat at siya rin ay inobserbahan nang magdamag.
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Be the first to comment