Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/12/2015
Caifornia homeowner, takot na takot sa stripper na ayaw magbayad ng upa, at ayaw ring umalis!

Itong si Carrie ay pina-upa ang isang kuwarto sa kanyang bahay, sa Déjà vu stripper na si Sara Rogers, dalawang taon nang nakalipas.

Ayon kay Carrie, maayos naman ang lahat nung una, kahit na gumamit ng ibang apleyido si Rogers nang pinirmahan niya ang kanyang lease.

Pero anim na buwan nang naninirahan sa takot ang pamilya ni Carrie.

Pumayag daw kasi si Rogers na makitira sa kanya ang kanyang mga kaibigan...at nag-ampon pa ng iilang mga pusa.

Ayon kay Carrie, nakakarinig din siya ng mga kakaibang ingay sa iba't ibang oras ng gabi -- kabilang na rito ang paninigaw, pamamalo, pag-ungol at pag-halinghing.

Isang araw, nadiskubre ni Carrie na naglagay ng higanteng lock si Sara sa kanyang pinto, para hindi makapasok si Carrie. Nakapasok lang si Carrie, matapos siyang tumawag sa pulis at ini-report na binabaha ang kuwarto ni Rogers.

Ayon kay Carrie, sinabi daw sa kanya ng mga pulis na may loaded handgun sa kuwarto ni Rogers, at hindi ito okay dahil may 5-year-old na batang naninirahan sa bahay nila.

Sa wakas, ay kumuha ng abugado si Carrie, na sinabihan siya na hindi na ito ang kauna-unahang beses na nagsagawa ng ganito si Rogers.

Nag-settle din si Carrie at Sara, sa halagang 4000 USD, imbes na mapunta pa sa korte ang kaso.

Nang tinanong ng media kung ano ang masasabi ni Rogers, ang sinabi lang niya ay ang settlement ay sapat na para sa kanya, at ayaw na rin niyang makipagsagutan sa isang taong hindi marunong rumespeto sa kanya.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Category

🗞
News

Recommended