Washington, na-legalize na sa wakas ang pagbenta ng recreational marijuana!

  • 9 years ago
Washington, pumayag na rin sa wakas, sa legal na pagbenta ng marijuana!

Mahigit dalawampung buwan matapos silang bumoto para maging legal ang recreational use ng marijuana, ay nai-approve na rin sa wakas ng Washington ang kauna-unahang mga lisensiya ng legal na pagbenta ng marijuana sa kanilag estado.

Ang nakakagulat dito, ay maraming nga operators ang hindi pa handa para sa mga inspections at government requirements, kaya may dalawampung lisensiya lamang sa loob ng tatlong daan, tatlumpu't apat ang papasa sa ngayon.

Maaring magkaroon ng nga-iisang maliit na sign sa labas ng mga tindahan na nagbebenta ng marijuana, at bawal silang magpakita ng produckto na maaring makita mula sa kalsada o sa bangketa. Kailangang i-rasyon ang mga supplies sa umpisa, dahil kakaunti lang ang supply sa ngayon.

Sa sandaling magsimula ang pagbenta ng marijuana, huwag nang magulat kung pati sales ng pagkain ay tumaas din! Maaring may negatibong epekto din ito, pero inaasahan din na mas dadami ang turista sa Washington dahil dito.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended