Rock singer, namatay matapos makuryente sa entablado!
Namatay ang lead singer ng Argentinian rock band na Krebs, matapos siyang makuryente sa stage, bago masimulan ang kanilang opening set para mai-promote ang kanilang album.
Ang 21-year-old na lead singer at gitarista na si Agustin Briolini, ay nakahandang mag-perform kasama ang banda niyang Krebs sa Teatro del Sol, Linggo ng gabi.
Gustong mai-test ni Briolini ang mic bago magsimula ang kanilang performance.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insidente, pero ayon sa mga report, ay may sira sa wiring ng mikropono, kaya ito nag-malfunction.
Habang tine-test ni Briolini ang mic, ay nakuryente siya nang napakalakas sa ulo.
Dumating ang medic para iligtas si Briolini, pero makalipas ang isang oras ay nailipat siya sa isang ospital, kung saan siya ay namatay.
Ayon sa kanyang mga kabanda, ay hindi sila makapaniwala sa mga nangyari, at sa pagkamatay ng kanilang kaibigan.
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH