Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/27/2015
Lalaki sa Oklahoma, namatay matapos bigyan ng "atomic wedgie"

Isang lalaki sa Oklahoma ang namatay nang nakipag-away ito sa kanyang stepson, na isang dating marine. Ang cause of death? Isang atomic wedgie, na naputol ang hininga ng lalaki!

Tatlong araw bago mag-Pasko, at maayos naman ang lahat. Ang 58-year0old na si Denver St. Claire at ang kanyang stepson na si Brad Davis ay nag-iinuman sa kanilang bahay sa Pottawatomie County.

Pero nang nagsimulang magsalita ng maasim tungkol sa nanay ni Davis itong si St. Claire,

Doon na sila nag-away. Ayon kay Davis, si St, Claire ang nagsimula ng gulo, pero siya ang nagtapos.

Anuman ang sinabi ni St. Claire ay hindi nagustuhan ni Davis, dahil binigyan niya ito ng kahiya-hiyang wedgie.

Naipit ng wedgie ang lalamunan ni St. Claire, at nawalan ito ng hininga. Tumawag sa 911 si Davis.

Naniniwala ang pulis na si Davis ay maaring binago ang crime scene para ang kanyang ginawa ay magmukhang self-defense. Ayonsa sheriff na si Mike Booth, patuloy ang kanilang imbestigasyon, at sila ay may ebidensiya na ang insidente ay hindi lang resulta ng isang away.

Si Davis ay naaresto at nakasuhan ng homicide.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended