Taipei giant baby panda Yuan Zai, ninanakawan ng pagkain ang kanyang ina

  • 9 years ago
Taipei giant baby panda Yuan Zai, ninanakawan ng pagkain ang kanyang ina

Ang makulit na baby panda na si Yuan Zai, ninanakawan ng pagkain ang kanyang mommy!

Ang baby panda na si Yuan Zai, na star ng Taipei Zoo, ay nagsimulang magpakita sa publiko itong linggo. Pero ang anim na buwan na baby ay medyo mahiyain, at sinusubukan niyang sundan ang staff ng zoo pabalik sa care center.

Pero nang nasanay na siya, ay nagsimula na siyang mag-akyat sa loob ng kanyang space, na natutuwang pinanonood ng kanyang mga fans. Matapos ang walong minuto, ay natulog na ulit ang cute na baby panda. Pero dumating ang mama panda na si Yuan Yuan, na binuhat si Yuan Zai para makita pa rin siya ng mga bisita!

Sa isang video mula sa Taipei Zoo, makikita natin na ninanakaw ni Yuan Zai ang mga carrots mula kay Yuan Yuan. Pero dahil masyado pang maliit si Yuan Zai, ay hanggang gatas lang ang pwede sa kanya, at ang carrot ay para lang kagat-kagatin. Pagkatapos niyang paglaruan ang carrot, ay kinuha na rin ito ng kanyang nanay. Hindi tumanggi si Yuan Zai, at tahimik na nanatili sa tabi ni Yuan Yuan.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH