Baby panda Yuan Zai ng Taipei Zoo, nagpakita na sa wakas, sa publiko!

  • 9 years ago
Baby panda Yuan Zai ng Taipei Zoo, nagpakita na sa wakas, sa publiko!

Nandoon ba kayo nang ang kauna-unahang giant baby panda ng Taiwan Zoo ay nagpakita sa publiko noong Lunes?

Ang panda enclosure ay bumukas noong alas nuebe ng umaga, at buong umagang nagpatuloy ang mahahabang pila ng mga napaka-excited na bisitang nais makita ang baby panda.

Ang anim na buwan na baby panda ay paakyat-akyat lang sa kulungan, bago bumalik sa kanyang ina para magpahinga.

Ayon sa mga opisyal sa zoo, ang baby panda na si Yuan Zai ay kasalukuyang natutulog ng dalawampung oras sa loob ng isang araw, at sa tuwing siya ay aktibo, hindi ito lumalampas nang dalawampung minuto.

Dahil baby pa si Yuan Zai, ay kailangan niyang magpahinga -- kaya pagpasensiyahan niyo na po kung kayo ay dumalaw, at siya ay natutulog!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH