Lalaki, nagbigay ng pera sa homeless, napagkamalang sangkot sa drug ring!
Isang halimbawa ng mga magandang gawain na walang mabuting resulta, ang taga-Texas na si Greg Snider ay napagkamalang kasangkot sa isang drug bust na nangyari sa Houston, dahil binigyan niya ng pera ang isang homeless na lalaki.
Si Snider ay huminto sa isang parking lot sa downtown Houston, alas dos ng hapon, para sagutin ang isang business call.
Ayon sa kanya, nilapitan siya doon ng isang homeless na lalaki, na binigyan niya ng pera bago siya nagmanehong paalis.
Nang umabot si Snider sa freeway, ay pinahinto siya ng isang police car.
Siya ay pinababa sa kanyang sasakyan, sinigawan at hinandcuff ng pulis, na akala ay siguradong isang drug bust ang nangyayari. Mahigit isang oras itong isinagawa.
Lampas sampung police officers ang na-deploy para sa drug bust na ito, pero wala silang nahanap na ebidensiya, at si Snider ay nai-release din.
Ayon kay Snider, ang pulis ay nagtatawanan habang sinasayang ang kanyang oras at pera ng mga taxpayers.
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Be the first to comment