Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 10 years ago
Garin Dart, tinaguan ang Yakuza ng walong buwan, nagpakitang muli sa UK!


Si Garin Dart ay kilala sa Roppongi party scene sa Tokyo, Japan.

Siya raw ay may-ari ng isang matagumpay na negosyo.

Pero bigla siyang nawala noong Mayo ng 2012.

Dahil siya ay may-ari ng isang Tokyo events management company, madalas siyang makita sa mga party at high-profile events.

Ito raw ang dahilan kung bakit nakilala niya ang iilang miyembro ng Japanese Mafia -- ang Yakuza.

Ayon kay Dart, narinig niya ang mga diskusyon ng Yakuza tungkol sa kanilang negosyo, kaya sinabihan nila si Dart na umalis ng Japan.

Pero sa tutoo lang, feeling naming ay nagsabi siya ng mga bagay na hindi niya dapat ipagkalat sa ibang tao, kaya sila nagkaroon ng issue sa kanya.

At hindi rin kami siguradong tutoo ang kuwentong ito! Pero babalikan natin iyan.

Ang sumunod na ginawa ni Dart ay mag-withdraw ng halos pitong milyong Japanese yen, na nasa halagang 65,000 USD. Hindi mula sa bangko, kungdi sa kanyang kompanya.

Hindi ba;t embezzlement ang tawag diyan?!

Anyway. Naging on-the-rin itong si Dart. Kinabukasan, napadpad siya sa isang beach sa Thailand, at hindi niya sinama ang kanyang pamilya.

Tama iyan, hindi ba? Iwan ang lahat ng problemang kanyang ginawa sa kawawa niyang pamilya!

Matapos siyang magpalipat-lipat sa Southest Asia itong nakaraang walong buwan, habang nag-aalala ang maraming tao para sa kanyang kaligtasan,

Bigla siyang nagpakita sa Inglaterra, na may kasamang istorya.

May mga netizens na nagsasabing nagsisinungaling si Dart.

Heto ang mga aktuwal na comment ng mga taong kilala siya sa Tokyo.

Kung kami iyan, at napagbigyan kami ng Yakuza, ay siguradong isasama naming ang pamilya naming paalis ng Japan, para sabay kaming bumalik sa UK!

Ayon sa mga nakakakilala kay Dart, ang kanyang negosyo raw ay hindi mapagkakatiwalaan. Lubog na sa utang, pero kailangang panatilihan ang lifestyle ng mga sikat at mayaman, ay isang magandang rason kung bakit siya nagnakaw ng pera at umalis ng bansa, hindi ba?

Kayo po ba ay naniniwala sa kuwento ni Garin Dart? O gusto niyo ring mapasigaw ng B-U-L-L-S-H-I-T? Mag-iwan po ng opinyon sa comments.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended