Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 10 years ago
Instagram, ginagamit ng mga seksing babae para magkaroon ng career!


Ang Instagram ay hindi lang para ipakita ang video clips ng iyong alagang hayop, o ang iyong agahan, na dumaan sa nakakairitang camera filter para magmukhang hipster.

Para sa maraming Insta-babes, ang image-sharing service na ito ay maaring gamitin bilang isang platform, kung saan puwede kang ma-diskubre bilang isang modelo o fashion designer! May mga babaeng kumikita ng maraming pera, pati na rin ng mga Indian na lalaking mahilig mag-spell ng sexy with an i.

Tingnan na lang natin ang 23-year-old na si Renee Somerfield, ng Sydney, Australia, na balak gamitin ang kanyang kasikatan sa internet, para masimulan ang sarili niyang linya ng swimwear.

Ang kanyang daan-daang litrato sa Instagram, na may kalahating milyong followers, ang nagbigay sa kanya ng sapat na kasikatan, para magkaroon ng isang photo shoot sa Maxim magazine!

Ito namang si Ellie Gonsalves, ay isa ring modelo, na itinuturing na isang Instagram star.

Si Jen Selter naman, isang 20-year-old mula sa New York, ay kilala para sa kanyang mga gym selfies. Ang kanyang napakabilog na puwit ang dahilan kung bakit mayroon siyang halos dalawang milyon na fans -- kabilang na dito ang pop star na si Rihanna.

Heto si Jen, sa isang impromptu video shoot sa Times Square, New York. Siguradong madadagdagan na naman ang kanyang mga fans!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended