NYC Police Brutality: 84 anyos na lalaki, nag-jaywalk, binugbog ng pulis

  • 9 years ago
NYC Police Brutality: 84 anyos na lalaki, nag-jaywalk, binugbog ng pulis


Ang mga pulis sa New York, ay andiyan para sa proteksiyon ng lahat ng taga-New York.

Pero tulungan ka sana ng Diyos, kung ikaw ay nakaharang sa daanan ng mga pulis na ito!

Ito ang 84-year-old na si Kang Wong, na humarang sa daanan.

Tatlong pedestrians na kasi ang namatay sa may Broadway at 96th, itong nakaraang siyam na araw.

Ang huling biktima, na si Samantha Lee, ay namatay, labindalawang oras lamang ang nakalipas, noong Linggo. Siya ay nabangga ng isang ambulansiya, at ng isang kotse.

Kaya nag-utos ang NYPD Police Commissioner na magbigay ng mga tiket ang mga pulis sa mga mahuling nagje-jaywalk.

Nang mag-jaywalk si Kang Wong sa Broadway, siya ay naging malaking target para sa pulis.

Sinigawan at inutusan siya ng mga pulis, pero hindi naintindihan ng matanda ang sinasabi nila, at nagtangka itong umalis.

Nang hinawakan niya ang isang pulis, ay nagdagsaan ang iba pang mga officers sa eksena!

Nakalimutan ba nila na ang lalaking kanilang binugbugbog ay 84 years old na, at nasa 5 feet lang ang tangkad?!

Ang pinakaimportante, ay napigilan ng mga pulis ang isa pang kamatayan dahil sa jaywalking!

Pwera na lang, kung namatay itong si Kang Wong dahil sa pagbugbog sa kanya ng pulis!

Ang gagaling din minsan ng mga pulis, ano?


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended