Skip to playerSkip to main content
  • 11 years ago
VIDEO: Aspen plane crash - anong nangyari?


Ang bagong footage ng isang plane crash sa Aspen, Colorado, na nangyari ilang linggo lamang ang nakalipas, ay maaring magbigay ng mahalagang pahiwatig sa kung paano nahulog ang eroplano mula sa langit.

Ang na-edit na video, na nakunan sa limang infrared na camera sa Aspen-Pitkin County Airport, ay pinapakita ang pangalawang pagtangkang pag-landing ng eroplano, matapos mapigilan ng 30miles per hour na hangin ang unang beses na pag-landing.

Ayon sa transcripts mula sa black box voice recorder, hindi tumawag ng mayday ang mga piloto, kahit na nag-alala sila sa lakas ng hangin.

Isang aviation consultant ang nagsabing mukhang masyadong napabilis ang takbo ng eroplano, at humampas ito sa runway, at biglaang napataas, at pagkatapos ay nag-stall.

Ang eroplano, isang mid-sized, privately-owned Canadair CL 600 ay lumipad mula sa Mexico, at huminto sa Tucson, Arizona, bago nag-crash sa Aspen-Pitkin County Airport.

Ang pagsabog ng eroplano ay nag-iwan ng sunog at pinsala, kung saan namatay ang 54-year-old na Mexican co-pilot. Ang piloto at dalawa pang pasahero ay nasa ospital.




For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Comments

Recommended