Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Lunar New Year sa China: katakot-takot na traffic!


Traffic sa China: Ang pinakamalaking human migration, tuwing Lunar New Year.

Parating na ang Chinese New Year, at milyon-milyong mga Chinese ang dadaan sa pagsubok sa paggamit sa public transportation system ng China, pauwi sa kanilang pamilya.

Noong Sabado, si Mrs. Den at ang kanyang asawa ay na-stuck sa traffic nang sila ay nag-drive mula sa Guandong, papunta sa Hunan province. Matapos ang syam na oras sa kotse, ay nagsisi sila na hindi sila bumili ng adult diapers! Wala silang choice kung hindi umuhi sa highway mismo, kung saan marami ring ibang tao ang nauwi sa ganitong sitwasyon. May mga tao pang nilakad ang kanilang mga aso sa ma-traffic na kalsada!

Kung sa tingin niyo, ay mawawala ang mga problemang ito pag sumakay kayo sa tren, nagkakamali po kayo. Lumuhod ang lalaking ito sa harap ng konduktor, para pasakayin siya sa tren, na apatnapung minute nang nakaalis!

Sa araw ding iyon, isang lalaki ang nawalan ng malay sa tren papuntang Nanchang, matapos niyang malaman na ipapa-blind-date pala siya ng kanyang mga magulang pag-uwi niya. OA ba?


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended