Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 10 years ago
VIDEO: Tatlumpung sasakyan, nag-crash sa Michigan; tatlong tao namatay


Isang malaking traffic accident ang nangyari noong Huwebes, sa daanan sa gitna ng Chicago at Detroit, malapit sa Indiana, kung saan tatlong tao ang namatay, at dalawampung tao ang nasaktan.

Mahigit tatlumpung sasakyan ang nasangkot; kalahati sa kanila ay ng semi-trucks.

Ilang oras din napahinto ang traffic, habang inaayos ng mga awtoridad ang gulo ng mga kotse, truck, at biktima, sa I-94, malapit sa Michigan City. Maraming na-stranded dahil mabigat din ang nyebe sa araw na iyon, na pinaniniwalaang dahilan ng aksidente.

Ayon sa isang saksi, isang semi-truck ang nagsimulang mag-slide at nag-jackknife sa gitna ng kalsada, bumangga sa isa pang semi, at doon na nag-umpisa ang chain reaction sa mga kasunod niyang sasakyan.

Ang eastbound side ng highway ay inaasahang maisara nang magdamag para maitanggal at maiayos ang pinsala mula sa aksidenteng ito.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended