True Love Tester Bra ng Japan: mabubuksan lang ng tunay na pag-ibig!
  • 9 years ago
True Love Tester Bra ng Japan: mabubuksan lang ng tunay na pag-ibig!


Isang Japanese lingerie company ang nagpakilala ng isang modernong chastity belt para sa ating mga dibdib -- ang "True Love Tester Bra!"

Para sa mga babae sa buong mundo -- heto na ang bra na magliligtas sa atin sa mga hindi kanais-nais na lalake!

Ang True Love Tester Bra, na gawa ng Japanese manufacturer na Ravijour, ay isang high-tech na bra, na mag-a-unlock lamang kung nararamdaman nito na ang babaeng nagsusuot ditto at tutoo ngang in-love.

Ito ay nagagawa ng bra sa pamamagitan ng isang nakatagong heart rate sensor, na nagpapadala ng data sa pamamagitan ng Bluetooth, papunta sa app na nasa ating cellphone.

Kapag lumampas ang ating heart rate sa isang level, na nagsasabing ito nga ay "true love," ang bra ay sariling magbubukas, at handa ka nang ibigay ang iyong sarili -- o ang inyong boobs -- sa inyong true love.

Huwag mag-alala -- hindi mag-a-unlock ang smart bra na ito kapag kayo ay nanonood ng hoorro movie o nag-e-exercise. Ayon sa Ravijour, ang True Love Tester ay alam ang pagkakaiba ng heartbeat patterns, at talagang magbubukas lang sa oras ng tunay na pag-ibig.

Pero paano na kung never na nag-unlock ang bra, kahit na feeling mo ay natagpuan mo na ang iyong Mr. Right? Ayon sa Ravijour, kung hindi nagbukas ang bra, hindi ito ang iyong true love!

Okay ba ito? O malaking kalokohan? May babae bang gustong magkaroon ng ganitong bra, dahil hindi nila alam ang pagkakaiba ng love at lust? Mag-iwan ng opinyon sa comments!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended